Kasaysayan ng Dyaryo
TOMAS PINPIN Si Tomás Pinpin (nabuhay mula noong ika-16 hanggang ika-17 daang taon) ay ang kauna-unahang manlilimbag na Pilipino. Siya ay isang manlilimbag, manlalathala at manunulat mula sa Abucay, Bataan. Noong taóng 1610, isinulat niya ang " Librong Pagaaralan nang manga Tagalog nang Uicang Castilla " na siyang pinakaunang nailimbag na kasulatang katha ng isang Pilipino SUCCESOS FELICES (1637) Ang pamamahayag ng Filipino ay nagsimula sa isang polyeto (newsletter) na inilathala ni Tomas Pinpin, ang Filipino publisher ng SUCESOS FELICES sa Maynila. Inilathala ng polyetong ito sa Espanyol ang pangunahing ulat ng tagumpay ng La Naval laban sa Dutch sa Ternate. Nagtagal ito hanggang 1809. AVISO AL PUBLICO (1799) Ito ang Hojas Volantes o Flying Leaves (Paunawa sa Publiko), na lumabas noong Pebrero 27, 1799. Ang laki raw nito ay isang malaking notebook. Ito ay tungkol sa kampanya laban sa mga Muslim at paghuli sa mg...