Sitwasyong Dyaryo

Ang pahayagan, diyaryo, o peryodiko ay isang uri ng paglilimbag na naglalaman ng balita, impormasyon at patalastas, kadalasang na imprenta sa mababang halaga. Ito ay maaaring pangkalahatan o may espesyal na interes, at kadalasan itong inilalathala ng araw-araw o lingguhan.

  • Sa dyaryo ay wikang Ingles ang ginagamit sa broadsheet at wikang Filipino naman sa tabloid.

  • Tabloid ang mas binibili ng masa o karaniwang tao sapagkat mas naiintindihan nila ang wikang ginagamit dito. Ito ang mga katangian ng isang tabloid.

  • Nagtataglay ng malalaki at nagsusumigaw na headline na naglalayong maakit agad ang mambabasa.

  • Ang nilalaman ay karaniwang senseysyonal na naglalabas ng impormalidad
  • Hindi pormal ang mga salita.



Ito ay isang instrumento ng paglalathala ng impormasyon o kaalaman. Ito rin ay ginagamit ng marami upang maipakalat ang sariling opinyon ng sumulat sa marami at magbigay ng kaliwanag sa mga isyung pangsuliranin ng bansa.



Comments

Popular Posts